ANZAC Centenary 2014-2018: Sharing Victoria's Stories

SINO ANG IYONG GUGUNITAIN?

who collage landscape

Kinikilala ang kahalagan ng ika- 25 ng Abril, Araw ng ANZAC, ang pagdaong ng mga hukbo ng Australya at New Zealand  sa Gallipoli sa araw na iyon noong taong 1915. Sa Araw ng ANZAC, gugunitain ng Victoria ang lahat ng mga naglingkod hindi lamang noong Unang Digmaang Pandaigdig, kundi sa mga labanan at mga pagpapakilos din sa nakaraang daantaon. Aalalahanin natin ang mga naglingkod at nagpakasakit,at lahat ng mga naapektuhan ng digmaan at labanan.

Naririto man ang iyong pamilya ng isang daang taon, libo-libong taon, o kung kararating lamang ninyo – Ang Araw ng ANZAC ay isang araw na nararapat  tandaan ng lahat ng mga taga-Victoria.

Sa Madaling-Araw na Seremonya sa Dambana ng Alaala (Shrine of Remembrance) ng Melbourne man o sa isang pangkomunidad na seremonya sa inyong lugar – ito ang panahon para gumunita at maki-ugnay.

Mga Pagdiriwang ng Araw ng ANZAC sa Victoria